Tuesday, March 19, 2013

When Can We Do This Again?

SEASON 2

Hayyyyyyyyy...... Patapos na ang year at sem ... Sobrang nakakalungkot lang dahil magpapaalam na kami sa Philippine Games class ni Ma'am Grecia.. Pero bago lahat ng kalungkutan na ito ay isa-isahin muna natin ang lahat ng mga invented games na nalaro at naipakita sa klase. Ito ang Top 5 na pinaka astig at pinaka masaya na laro na naimbento ng mga estudyante at ng aking mga kaklase. Astig lang isipin na kahit sino ka pa at ano pa ang antas mo sa buhay ay maaari kang makagawa ng isang laro na maaaring malaro ng iba, isang mahalagang aral na natutunan ko sa Philippine Games. Kaya without further ado, ito na ang mga the best among the rest of the invented games sa klase namin! :)

P.S. Ma'am Grecia! Yung title yung kanta sa right side :D THANK YOU PO NG MARAMI sa sobrang sayang klase at marami po talaga kaming natutunan na mga bagong laro at mga importanteng skills sa PE. Sana po ay magkita at makapaglaro po ulit tayo :) See you po!

Hybrid Game of the Year Award- Volanket

Ang innovation level ng larong to ay sobrang high kasi kahit ako hindi ko maiisip na gawin itong laro, pero sobrang saya nitong larong ito at marahil ito ang favorite invented game ko. Ang game na ito ay binubuo ng dalawang magkalabang grupo at bawat isang grupo ay may kumot na malaki. Ang goal nila ay mahagis ang bola gamit ng kumot papunta sa kabilang team na sasalo nito. Sa laro namin ay maraming mga "fouls" tulad ng masyado mababa ang bato. Minsan pa nga ay hindi nababato ang bola na bumabalik siya sa kumot namin at gumugulong na lang pababa bago pa ibato. Communication sa teammates ang importante dito upang sabay sabay ang pagbato ng bola para mataas itong maipunta sa kabilang team. Noong una ay hindi pa namin makuha ang tamang pagbato pero throughout the game ay nababato na namin yung bola ng maayos. Mas masaya ang sumalo ng bola kay sa bumato kasi matetest talaga yung reaction time ng bawat isa at bilis, kung paano kayo gumalaw bilang isang grupo papunta sa babagsakan ng bola.

Variation: Sobrang nakakalito na pag dalawang bola ang ginamit ng sabay. Possible naman ang variation na ito given na mas malaki ang kumot na gagamitin at playing area. Mas matetest nitong variation na ito ang communication and teamwork ng isang grupo.

MVP: Sina Kuya Fien, Ate Ruffa at Kuya Wawie kasi sila yung main communicator namin sa laro at sila yung laging nagsastart na magbilang para sabay sabay kami as a group.

Brains and Brawn Award - Bunong Henyo

Ang pinakagusto ko sa larong ito ay kung paano napagsama ang konsepto ng pag-iisip sa isang pisikal na laro. Ito ay nagbigay ng fairness at equality sa mga players na hindi ganong kalakas at kabatak. Ang larong ito ay para lang na Pinoy Henyo pero may kasamang bunong braso. Napasama ang bunong braso upang maging distraction sa pag iisip at mahati ang focus ng isang player, pero ang ultimate goal dito ay ang mahulaan ang word. Napansin ko na halos lahat sa amin ay inuna ang paghula ng word kay sa sa pagtalo sa kalaban sa bunong braso, na sa tingin ko ay tamang strategy naman based sa kalaban mo. Example, ay si Ate Bea na ang kalaban ay si Kuya John, siyempre luge siya dahil mas malakas si Kuya. Pero dahil may salita na dapat hulaan, nakabawi naman siya at nakakuha ng point. Noong variation nag iba na ang storya dahil napasama na ang bunong braso sa primary goals ng laro. Kahit ang mga girls ay talagang pinipilit manalo sa bunong braso para makakuha ng double points. Nakakatuwa lang panoorin kapag napakalapit na ng sagot pero di pa rin mahulaan at nag aaway na sa bunong braso, sobrang nakakaexcite at nakakahype :)

Variation : Isang variation na naisip ko ay yung non-dominant hand ang gamitin para may mas challenge at lalong matest ang power ng isang player. Mas magiging exciting rin ang game kapag may time limit na nilagay upang mapabilis ang pag iisip ng mga players.

MVP: Si Yarra. Despite her disadvantage sa strength department ay nabawi naman niya sa brains department at pinatunayan niyang hindi ito laro na solely based sa strength.

I'm Moving Closer To You Award - Bato Balani

Kahit na napaka-linis at simple ng pangalan, mejo pisikal at nakakapagod ang larong ito. Ang Bato Balani ay isang laro kung saan ay merong malaking bilog at bawat tao ay alternate ng grupo. Ibig sabihin, ang katabi ng isang player sa bilog ay kalaban niya. Ang goal ng bawat player ay mahila ang kalaban niya na kanyang katabi papunta sa gitna , kung saan may isang bagay na pag nadikitan ng parte ng katawan ng kalaban ay talo na sila. Sobrang wild rin ng larong ito dahil makikita mo talaga ang paghila ng mga players sa kalaban nila gamit ang iba't ibang paraan, tulad ng normal na panghihila, pagtutulungan sa paghila at pagtulak at iba pa. Minsan nga kahit daliri na lang ang madikit nila sa bagay sa gitna ay nagagawa pa nila kahit na sobrang laki nung kalaban nila, pero malaki pa rin ang lamang ng mga batak sa larong ito (ehem ehem David). Maganda rin ang variation ng larong ito na gumagalaw na ang bato balani at kabalakitran kung saan dapat ikaw mismo ang makapunta sa bato balani, mas naging strategic ang laro dahil dito. Maraming nagsisigawan sa larong ito kaya ito ay proof na  wilds at masaya talaga ang larong ito.

Variation: Mas magiging tactical ang laro kung may dalawang bato balani sa loob ng bilog. Dahil dalawa ang dulo ng isang magnet (north and south pole) maaaring lahat ng lalaki ay dapat mahila sa isang dulo at ang lahat ng babae sa kabilang dulo.

MVP: Ate Fatima. Hands down. Para siyang Globe sa larong ito , GO LANG NG GO! Kahit na sinabi ni Ma'am na upper body parts lang ang makakacount as panalo, yung pwet niya ang pinangtouch niya kay Ma'am. Sobrang daming tawa ng klase dahil doon.

Jump Brother Award - Luksong Bayo

Balance ang pinaka-importanteng skill dito sa larong ito pati teamwork. Ang goal ng isang team ay makarating isa isa sa finish line at pabalik ng tumatalon in "perfect balance" mula sa landing spot ng kanyang teammate. Pag sinabing "perfect balance" ay two feet on the ground na sakto, walang mga buwelo at dapat ay nakatayo ng tuwid at hindi ma "ooff balance". Super exciting nung larong ito dahil maraming mga nagpapalusot na nawawala sa balanse, yung mga tipong medyo nadadapa at ginagamit ang kamay para sa balanse. Pero pag naramdaman mo na ang tamang pagtalon, tuloy tuloy na ang magandang performance ninyo sa laro. Sobrang nakakatawa si Yarra sa larong ito dahil bumuwelo siya gamit ng kamay pero nakalusot siya dahil ginagamit lang daw niya yun para iayos ang buhok niya. hahaha benta lang talaga :) Sa huli, proud ako sa teammates ko dahil maganda ang performance nila at hindi kami umulit sa pagtalon. Maingat silang lahat at very good ang balance.

Variation: Ang isang variation dito ay isa isa ang tatalon at mula sa starting line sila magsisimula regardless of kung nasan ang teammates nila. Sa aking palagay ay mas fair ito dahil lahat ay may common starting point at hindi luge ang hindi matataas tumalon. Isa pang variation ay tumalon ng patalikod pabalik, pero mejo delikado to kung tataasan ang talon. Ang key dito ay ang pagiging slow but sure.

MVP's: All of my teammates : Hazel , David , Janelle and yung iba pa (sorry nakalimutan ko na names niyo :( ) Pero sobrang galing ng teammates ko sa larong ito. In sync talaga yung pagtalon nila at hindi sila nawala sa balance, lahat ay focused sa laro.

Kamehameha! Award - Dragon Ball Z

Na-enjoy ko laruin ang larong ito dahil napaka-astig ng title at gameplay ng laro, at ito rin ang isang laro na nag-excel ako(o baka dahil maliit lang ang playing area). Ang konsepto ng laro ay nilalaro ko noong bata ako at pati yung anime pinapanood ko. Sobrang "nostalgic" ng larong ito para sakin, para siyang "Monkey in the Middle" na may konting pagkakaiba. Sa larong ito, may mga linya na magsisilibing mga dragon at ang taong nasa harapan ng linya, o ang ulo ng dragon, ay kailangang makuha ang bola na hinahagis ng mga taya. Ang variation na ito ay kung sino man ang makasalo ay dumudumugin dahil siya ay isang "safe zone" mula sa mga mantataya. Noong una ay ayaw kong maging ulo ng dragon namin dahil hindi ko naintindihan ng maayos ang laro, pero totoo na may advantage ang mga matatangkad sa larong ito. Ang technique na ginawa ko ay ang paglayo mula sa magbabato habang ang iba pang grupo ay naghihintay malapit sa magbabato. Ito ay effective dahil maaabangan ko at makikita ko kung saan ipapasa ang bola. Mabibilis at maliliksi ang mga kagrupo ko kaya ako ay nakagalaw ng mabuti at hindi ako bumagal. Overall, matetest talaga sa larong ito ang speed, reaction time at agility ng isang manlalaro lalo na kung siya ang ulo o nasa harapan.

Variation: Ang isang variation ng laro ay maaring dalawang bola ang ibato upang mas malito ang mga dragon. Mas matetest dito ang reaction time, agility at speed ng mga players. Pwede ring na isang dragon lang ang gawin pero dalawa ang ulo nito sa magkabilang dulo. Sa variation na to, isang kamay lang ang magagamit upang kunin ang bola. Mas challenging din sigurado kung mas malaki ang playing area.

MVP: Ako :) This is the first game na nakita ko ang sarili ko na talagang nag-excel at nakapaglaro to the highest confidence and effort. Nagpapasalamat ako sa mga kaklase ko sa mga compliments nila sakin noong laro dahil masarap ang feeling na you've done your best sa isang laro.